Bago mo talikuran ang isang tao, isipin mo muna lahat ng bagay na nagawa niya para sa’yo, lahat ng pinagsamahan niyo, lahat lahat, mabuti man o hindi. Saka mo ulit isipin kung tatalikuran mo na ba talaga siya o hindi. At kapag nakapagdesisyon ka na, siguraduhin mong paninindigan mo ang naging desisyon mo, habambuhay.